Sabado, Abril 1, 2017

Regina Rica,Tanay Rizal

Ang lugar na ito ay napakagandang puntahan kung gusto mo ng katahimikan at space para sa iyong mga dasal. Matatagpuan ang Regina Rica sa Tanay Rizal,malapit sa Camp Capinpin. Nakapunta ako sa lugar na ito nung retreat namin noong second year. Isa itong napakatahimik at napakagandang lugar. Malayo sa ingay ng Manila,seldom at peace ang mararamdaman mo sa lugar na ito. Bawal ang maingay sa lugar na ito dahil may mga madre at pari na nakatira dito at para narin makapagdasal ng maayos ang mga nagdadasal. Merong mini zoo sa loob ng Regina Rica at mga mini park. Ang pinaka iconic dito ay ang malaking rebulto ni Mama Mary na may chapel sa loob nito. Paakyat roon ay lalakad ka sa napakahabang hagdan. Sulit naman ang pagod paakyat dahil tanaw mo mula itaas ang buong lugar ng Regina Rica.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento